Tumanggi munang magpaabot ng pagbati ang China kay dating US Vice President at kasalukuyang President elect Joe Biden.
Ayon sa isinagawang pulong balitaan ni Foreign Ministry Spokesman Wang Wen Bin, kikilos aniya ang China sang-ayon sa ‘international practice’.
Paliwanag ni Wang, napansin nito na mismong si Biden ang nagsasabing siya ang nagwagi sa halalan, kaya’t ani Wang, madedesisyon sila alinsunod sa batas na umiiral sa Estados Unidos.
Magugunitang nauna nang nagpaabot ng pagbati kay Biden ang ilang world leaders makaraang manalo ang tandem nito sa US elections, pero isa ang lang China sa mga bansang hindi pa nagpapaabot ng pagbati kay Biden.