Mas malaki ang tyansa na maikalat o maipasa ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga kasama sa loob ng bahay kumpara sa mga tao sa labas ng tahanan.
Ito ay batay sa pag-aaral ng South Korean epidemiologist na inilabas sa US Centers for Disease Control and Prevention (CDC).
Lumabas sa pag-aaral na dalawa sa 100 taong dinapuan ng COVID-19 ay nakuha ang virus sa labas ng kanilang bahay o iyong non-household contacts, habang isa sa bawat 10 COVID-19 patient ang nakuha ang virus mula sa kanilang pamilya.