Ibinabala sa publiko ng isang ekperto ang iba’t ibang uri ng sakit na maaaring makuha ngayong nalalapit na Pasko at pagsalubong ng bagong taon.
Ayon kay Dr. Edsel Salvana, isang infectious disease expert, talamak tuwing holiday season ang kaso ng respiratory illnesses gaya ng Asthma, Chronic Obstructive Pulmonary Disease, Cystic Fibrosis, Lung Cancer, Tuberculosis, Bronchitis, Pneumonia, at Emphysema.
Maaari aniyang makuha ang mga nabanggit na sakit mula sa mga closed quarters.
Maliban sa mga ito, malaki rin ang tiyansang magkaroon ng lagnat, sipon at ubo ang publiko na karaniwan sa mga malalamig na panahon.