Kinilala ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Senen Sarmiento ang pagkakahuli ng PNP sa magkapatid na Joel at Mario Reyes sa Thailand.
Ayon kay Sarmiento, ang pagkakahuli sa magkapatid, na sangkot sa pagpatay sa environmentalist broadcaster na si Dr. Gerry Ortega, ay patunay lamang na walang makakatakas mula sa kamay ng batas.
Tiniyak din ni Sarmiento ang suporta ng DILG at ng National Police Commission o NAPOLCOM, para sa mga operasyon ng PNP, upang mahuli ang iba pang pugante.
By Katrina Valle | Jopel Pelenio (Patrol 17)