Ipinagbabawal na ang pagkain ng mga aso at pusa sa Shenzhen sa China epektibo sa Mayo 1.
Ito ay alinsunod sa batas na nagbabawal sa pagkatay ng mga hayop na inaalagaan bilang ‘pet’.
Ang Shenzhen ang kauna-unahang lungsod sa buong China na magpapatupad ng naturang batas.
Sa probisyon ng batas, ang pwede na lang kaining mga hayop ay baka, tupa, baboy, manok, pato, pabo, rabbit, gansa at ilang aquatic animals.
Magugunitang, nagpasa ng batas ang China nitong Pebrero sa pagbabawal ng pagkain ng mga wild animals bunsod ng naganap na COVID-19 pandemic.
Samantala, ayon sa mga awtoridad, papanagutin sa batas ang sinumang lalabag dito.
Sa panulat ni Ace Cruz.