Ipinagbabawal na sa Shenzhen, China ang pagkain ng mga aso at pusa.
Epektibo sa May 1 ang nasabing batas kung saan lahat ng mga hayop na itinuturing na pet ay hindi na maaaring katayin o kainin.
Ang Shenzhen ay kauna-unahang lungsod sa China na magpapatupad ng pagbabawal ng pagkain ng aso at pusa samantalang ang uubrang kainin lamang ay baka, tupa, baboy, donkey, rabbit, manok, pato, pabo, pogo, gansa at ilang aquatic animals.
Ang sinumang lalabag sa batas na ito ay papatawan ng parusang pagbabayad ng 30 beses na halaga ng presyo ng kinatay na hayop.
Pebrero naman nang magpasa ng batas sa China hinggil sa pagbabawal ng pagkain ng wild animals dahil sa corona virus pandemic.