Inihayag ng mga eksperto na kabilang sa mga dahilan ng pagbara sa ugat ng mga tao ay ang pagkain ng fast-food, processed food at softdrinks.
Base sa naging pag-aaral ng Harvard Health Publishing Medical School, kabilang sa mga pagkaing makakatulong upang maalis ang bara sa ating mga ugat ay ang; mga prutas katulad ng dalandan, lemon, calamansi, mga berries, kamatis, carrots, at nilagang mani.
Mabuti din sa ating katawan ang olive oil, green and leafy vegetables gaya ng kangkong, talbos at ampalaya.
Mainam din ang pagkain ng fatty fish katulad ng salmon at bangus.
Bawasan naman ang mga pagkain ng kanin, margarine, bacon, ham at hotdog, paninigarilyo, pagpupuyat, at ugaliin ang pag-e-hersisyo upang maging maganda ang daloy ng dugo sa ating katawan at maiwasan din ang sakit sa puso, diabetes high cholesterol at pamamanas. —sa panulat ni Angelica Doctolero