Alam niyo ba na maraming benepisyo ang pagkain ng isda?
Ang isda ay mababa sa calories at kolesterol at marami itong protina, bitamina at minerals kumpara sa karneng baboy at baka.
Punong-puno din ito ng Omega-3 fatty acids, lalo na ang sardinas, mackerel, tilapia at salmon.
Ang pagkain din ng isda ay makatutulong sa pag-iwas sa maraming sakit tulad ng:
- Asthma o hika
- para sa utak at mata
- kanser
- sakit sa puso at Diabetes
- pagkauliyanin o Dementia
- pagkalungkot
- Arthritis at Psoriasis
Pero kahit may benepisyo, mayroon ding dapat ingatan sa pagkain ng isda:
- Mag-ingat sa mercury contamination. May mga isda na nakakain ng dumi at polusyon sa dagat na makasasama sa ating kalusugan.
- Puwedeng magkaroon ng bad breath kapag malansang isda ang iyong kinain.
- Puwede kang matinik kapag hindi maingat.
- Mag-ingat din sa seafoods, lalo na sa tahong at talaba. Kaunti lang ang kainin at baka malason sa red tide.