Ngayong nasa gitna tayo ng pandemiya, marami na sa atin ang nagsitabaan o nadagdagan ang timbang dahil sa sobrang pagkain.
Dahil diyan, mayroon nang solusyon ang mga problemado kung papaano mababawasan ang kanilang mga timbang.
Isa na dito ang pagkain ng scrambled egg na may kasamang gulay kabilang na ang pipino, patatas at iba pa.
Marami kasing benepisyong makukuha sa itlog kabilang na ang protein, betaine at choline na makakatulong upang supportahan ang ating mga puso.
Madalas din itong ginagamit sa mga naglo-low carb at keto diet.
Bukod pa dito, nakakatulong din sa pagpapabawas ng timbang ang kangkong, itlog ng pugo, sesame seeds, sayote, repolyo, carrots, baguio beans, ampalaya, okra, talong at iba pa. —sa panulat ni Angelica Doctolero