“Para sa mga korean food lovers diyan, lalo na sa mga mahilig kumain ng kimchi.”
Alam niyo ba na ang kimchi ay malaking tulong sa kalusugan ng isang tao?
Base sa pag-aaral ng mga eksperto, ang pagkain ng kimchi ay maihahalintulad sa pagkain ng yakult dahil nagtataglay din ito ng “good bacteria o excellent probiotic” na lumalaban sa mga bad bacteria sa loob ng ating mga tiyan.
Nakakatulong din ito sa ating healthy digestion maging sa mga nakakaranas ng ulcer, acid reflux, gerd o hyperacidity.
Bukod pa dito, solusyon din ito sa constipation, bloating, mga may acne, gout, eczema, mga may lagnat at pampababa din ito ng ating mga timbang.—sa panulat ni Angelica Doctolero