Kinukurap ang badyet para sa pagkain ng mga preso o Person Deprive with Liberty (PDL) sa New Bilibid Prison.
Ito ang ibinunyag ni Justice Secretary Secretary Jesus Crispin Remulla sa pagdinig ng panukalang 2025 budget ng Department of Justice at attached agencies.
Giit ni Senador Nancy Binay, na nasa 70 pesos ang budget kada araw para sa pagkain ng bawat preso, na hamak na mataas sa 60 pesos na inirekomenda ng National Economic Development Authority (NEDA).
Ayon sa Kalihim, korapsiyon ang siyang dahilan kung bakit kakarampot lamang ang pagkaing inihahanda para sa mga preso.
Dagdag pa ni remulla, masuwerte na kung 45 pesos ang halaga ng pagkaing inihahaing kada araw sa mga presyo.