Ang rambutan ay isang prutas na low on calorie at likas sa mga bitamina, mineral at antioxidants na nakapagbibigay ng maraming benepisyo sa ating katawan.
Napapababa nito ang tyansa ng pagkakaroon ng cancer dahil sa taglay nitong vitamin c na isa ring antioxidant.
Ang pag konsumo kasi ng antioxidants ay nakatutulong para labanan ang mga waste products sa katawan na maaaring makasira sa ating cells.
Nakatutulong din ito upang mapigilan ang pagkakaroon ng anemia dahil sa makukuhang iron dito.
Nalilinis din nito ang ating kidney at mabisang pantanggal ng waste minerals sa katawan.
Mabisa rin itong panlaban sa mga sakit at pampalakas ng immune system dahil napipigilan nito ang panunumbalik ng virus at pagkakaroon ng impeksyon. - sa panunulat ni Hannah Oledan