Muling ipinagbawal ng BFAR o Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang pagkain na shellfish mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ayon sa BFAR, apektado ng red tide ang baybaying dagat ng Daram island, Irong Irong at Cambatutay bays sa Western Samar, Matarinao bay sa Eastern Samar, coastal waters ng Leyte kasama ang Biliran province.
Nakataas din ang red tide alert sa baybaying dagat sa Gigantes islands sa Carles, Iloilo maging ang baybaying dagat sa Dauis at Tagbilaran city sa Bohol bukod pa sa Balite bay sa Davao Oriental at Puerto Princesa sa Palawan.
Ipinabatid ng BFAR na uubra namang kainin ang isda, pusit, hipon at alimango subalit kailangan lamang tiyaking maayos ito nahugasan , natanggal ang kaliskis at nalutong mabuti.
Samantala, ligtas naman sa red tide ang Carigara bay sa Leyte.
By Judith Estrada Larino