Hindi maitatanggi na napaka-importante ng pagkain sa buhay ng tao at sa ating kalusugan.
Pero malaking bagay ang wastong pagkain at hindi nga raw importanteng kumain tayo ng mamahaling pagkain, lalo na iyong mga imported dahil ng mahalaga ay mga pagkaing nagtataglay ng tamang nutrients.
Kasama sa mga pagkain ito ang green leafy vegetables o mabeberdeng gulay, sariwang prutas at pag-inom ng gatas at tubig.
Ayon sa mga eksperto, ang pagkain ng wasto ay ang ating pundasyon para sa malusog na pangangatawan.
Siyempre, bukod sa mga mabeberdeng gulay at prutas, mahalaga ring sabayan ito ng ehersisyo para maiwasan ang iba’t-ibang uri ng sakit.