Marami ngayon ang hirap makatulog sa gabi lalo na ang mga may trabaho kung saan, hirap silang makapag-adjust sa kanilang oras para makapagpahinga.
Problema kasi ng karamihan sa atin ang pagkakaroon ng maayos na pagtulog na nagiging dahilan ng pagbagsak ng ating mga katawan.
Dahil diyan, mayroon nang mabisang solusyon upang tayo ay makatulog ng mahimbing.
Kabilang na dito ang pagkain ng banana, sweet potato, cereals, warm milk at camomile tea na mayaman sa potassium, fiber, melatonin, vitamin c, e, b6, folate, at carbohydrates na nakakatulong upang maalis ang ating stress, makapag relax at maging kalmado ang ating mga tiyan.
Iwasan naman ang pagkain ng mga meat sa gabi, pag inom ng alak, softdrinks, kape at energy drinks maging ang paghiga habang busog, spicy foods o anumang klase ng maa-anghang dahil sinisira nito ang ating maayos na pagtulog. —sa panulat ni Angelica Doctolero