Umapela para sa pagkain, tubig at tirahan ang mga lokal na opisyal at residente ng mga lugar na nasalanta ng bagyong Odette.
Dahil ito sa pagka-antala ng relief efforts dulot ng mga nasirang kalsada, pagbaha, pagkaputol supply ng kuryente at linya ng komunikasyon.
Ayon kay Mayor Fely Pedrablancang Bayan ng Tubajon, Dinagat Province, kinakapos na sila ng supply ng pagkain at sa mga susunod na araw ay tuluyan na itong ma-sa-said.
Nakapagpadala naman ang coast guard ng vessels upang tumulong sa relief work sa mga lugar na wala pa ring kuryente, tubig at komunikasyon, kabilang ang dinagat.
Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ahensya na ibalik ang kuryente at komunikasyon at nangako ng 10 billion pesos para sa rehabilitasyon.