Alam niyo ba kung anong dapat iwasan at pagkaing mainam sa mga taong may Tubercolosis (TB)?
Ang Tubercolosis ito ay isang nakakahawang sakit kung saan nagdudulot ng malubhang sakit sa baga, bato, galugod at utak tulad ng mycobacterium tuberculosis bacteria.
May ilang uri ng pagkain ang dapat iwasan ng mga may TB upang mapabilis ang kanilang paggaling at ito ang mga sumusunod:
- matatamis
- maaalat
- stimulants o pagkaing nagpapabilis ng pagtibok ng puso
- karne
- alak at paninigarilyo
At Syempre huwag mag-alala dahil hindi naman lahat ng pagkaing masasarap ay dapat iwasan, mayroon ding mga pagkain na makatutulong sa iyong kalagayan tulad ng:
- dark leafy greens tulad ng kangkong, malunggay, at spinach
- whole grains o kumain ng brown at red rice.
- makukulay na gulay at
- unsaturated fats o gumamit ng vegetable oil, coconut oil at olive oil
Magpakonsulta rin sa doktor upang malaman kung may kakulangan sa nutrients ang iyong katawan. —sa panulat ni Jenn Patrolla