Alam niyo ba na mayroon nang alternatibo at mas murang paraan upang malabanan ang sakit sa atay?
Base sa pag-aaral ng mga eksperto, ang pagiging stress, pag-inom ng alak at pagkain ng maaalat at mamantika ay isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng fatty liver disease, cirrhosis o sakit sa ating mga atay.
Dahil dito, mayroon nang mabisang paraan, upang linisin ang ating mga atay para maibalik sa dati ang ating magandang kalusugan kabilang na dito ang pagkain ng apple, avocado, olive oil, garlic, tofu o soya, kape, cruciferous vegetables tulad ng carrots, cabbage, brocolli at cauliflower na nakakatulong para maalis ang toxin sa katawan ng tao.
Mainam din sa ating mga atay ang pagkain ng fatty fish o mayaman sa omega 3 katulad ng salmon, sardines, mackerel at tuna.
Nakakatulong din ang pagkain ng oatmeal and grains, turmeric, citrus and berrries na mayaman sa fiber at vitamins upang matunaw ang taba sa atay at mapaganda ang kundisyon ng ating mga atay. —sa panulat ni Angelica Doctolero