Marami sa mga Pilipino ang nakakaranas ngayon ng mild stroke at heart attack.
Dahil diyan, mayroon nang alternatibo at epektibong paraan para ito ay maiwasan.
Ayon sa ilang eksperto, mainam na kumain ng fatty fish tulad ng salmon at tuna na mayan sa omega-3 fatty acids; olive oil; whole grains; berries; avocado; nuts at beans o munggo; spinach; dark chocolate; red wine; soya; green and black teas; vegetables at citrus fruits.
Maaari ding gamiting alternatibo para sa pampalasa ng mga lulutuin sa halip na asin ay luya, bawang, sibuyas, paminta, kamatis na nakakatulong din para maiwasan ang cancer at heart diseases, nakakaganda ng kutis, vision o paningin, anti-oxidants, kaya din nitong suportahan ang ating mga buto at magandang buhok.
Bukod pa diyan, mainam din na kumain ng saging, watermelon seeds, cayenne pepper, coconut water o buko, gatas, guava juice, honey, fenugreek seeds, oatmeal, yogurt, tofu at barley. —sa panulat ni Angelica Doctolero