May mga pagkain na posibleng makatulong sa pagiging malusog ng ating utak.
Ayon sa mga eksperto, kapag sapat sa bitamina at nutrisyon ang mga kinakain, mas magiging matalas ang pag-iisip at memorya kumpara sa mga taong hindi kumakain nito.
Kabilang sa nasabing pagkain na tutulong sa pagiging healthy ng utak ay ang nilagang Mani, Kasoy at Walnuts na may taglay na Vitamin E at good fats.
Gayundin ang matatabang isda o oily fish tulad ng tuna, tilapia, salmon, sardinas at taba ng bangus na may Omega-3 fatty acids na nagpapaganda ng daloy ng dugo.
Kasama rin dito ang itlog na mataas sa Choline, isang kemikal na kailangan sa pag-develop ng utak at memorya, kape upang maiwasan ang Alzheimer’s disease.
Bukod sa mga pagkaing ito dapat ring magkaroon ng healthy lifestyle tulad ng pagtulog sa tamang oras, pag-iwas sa alak at paninigarilyo. —mula sa panulat ni Airiam Sancho