Halos lahat ng tao ay nagkakaroon ng Arthritis sa pag-edad.
Ayon sa mga eksperto, ang Arthritis ay pamamaga ng kasukasuan o joints.
Mayroong klase nito, una, osteoarthritis, ito ay ang pamamaga ng cartilage, mga buto na napupudpod at nakikiskis kaya sumasakit at namamaga. Maari itong mamana, dating injury o dahil sa sobrang pagtarabaho.
Ang rheumatoid arthritis naman ay sakit sa immune system dahilan ng pamamaga ng lining ng mga kasu-kasuan.
Ngunit para malunasan ang sakit na ito, dapat kumonsumo ng mga pagkaing mayaman sa omega-3 fatty acids tulad ng tawilis, tamban, at dilis. Maaari din ang pagkaing may Vitamin C gaya ng papaya, suha, repolyo, at kamatis. Gayundin ang may Vitamin D para tumibay ang buto tulad ng pula ng itlog, soya milk at kabute. —sa panulat ni Airiam Sancho