Sampal sa mga Economic Manager ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-apruba ng Pangulo sa panukalang libreng matrikula sa mga State Universities at Colleges (SUC’s).
Sinabi ito ni ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio matapos papurihan ang Pangulo sa pagiging ganap na batas na ng nasabing panukala na aniya’y matagal nang ipinaglalaban ng mga kabataan.
Ayon kay Tinio, ang pagsasabatas ng panukala ay patunay nang pagpanig ng Pangulong Duterte sa panawagan ng mga kabataan, mamamayan, pamilya at talikuran ang kaniyang mga elitistang Economic Managers.
Inihayag ni Tinio na ang susunod na laban ay dapat tiyaking popondohan ang nasabing batas sa 2018 National Budget.