Kinuwestyon ng Free Legal Assistance Group (FLAG) ang katotohanan sa likod ng pagkaka-aresto kay Dr. Maria Natividad Castro.
Ayon kay Atty. Wilfred Asis ng FLAG – Caraga, hindi naman lumabas ang pangalan ni Castro sa umano’y arrest warrant.
Dahil dito ay maghahain sila ng kasong kriminal at mosyon at writ of habeas corpus upang ibasura ang kaso laban kay Castro
Magugunitang isinailalim ang doktor sa kustodiya ng PNP at AFP sa barangay San Perfecto, San Juan City dahil sa warrant of arrest na inisyu noong January 30, 2020 ni acting presiding judge Fernando Fudalan ng Bayugan City, Agusan Del Sur RTC Branch 7.
Inakusahan ng pulisya si Castro, na isang lumad advocate, dahil sa pagiging high ranking member umano ng Communist Party of the Philippines at pagkakasangkot sa kidnapping at serious illegal detention.