Hindi na ikinagulat ni Senador Panfilo Lacson ang pagkaka-dismiss ng kasong plunder na kinakaharap ni Dating Agriculture Undersecretary Jocjoc Bolante sa Sandiganbayan may kaugnayan sa P723-Million fertilizer fund scam.
Ayon kay Lacson, napawalang-sala na ang ibang mga akusado sa naturang kontrobersya kayat alangan namang acquitted ang ibang akusado, habang convicted si Bolante.
Giit ni Lacson, napakahirap talagang patunayan beyond reasonable doubt ang isang kaso.
Sa kabila nito, sinabi ni Lacson na nirerespeto nila ang naging desisyon ng Anti-Graft Court kahit pa noong iniimbestigahan ang fertilizer fund scam sa Senado ay marami silang nakitang mga ebidensya.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno