Pinabubusisi na sa Kongreso ang kontrobersiyal na pagkaka-disqualify ng pelikulang “Honor Thy father” sa best picture category ng metro manila Film Festival o MMFF.
Sa isang resolusyon, nais ni Laguna Rep. Dan Fernandez na imbestigahan ng House Committee on Metro Manila Development ang mga festival organizers.
Una nang tinanggal ng MMFF executive committee ang naturang pelikula na pinagbidahan ni John Lloyd Cruz dahil hindi umano isiniwalat ng producer na naipalabas na ito sa Cinema One Originals Film Festival 2015 noong November 8.
By: Jelbert Perdez