Walang epekto sa Maguindanao massacre case ang pagkaka-ospital ni dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr.
Tiniyak ito ng Department of Justice (DOJ) sa harap ng ulat na comatose ang estado ngayon sa ospital ng matandang Ampatuan.
Ayon sa DOJ panel, hindi lamang naman si Ampatuan Sr., ang akusado sa kaso kaya’t wala itong epekto sa takbo ng paglilitis.
Una rito, hindi na kinontra ng prosecution ang kahilingan ng mga anak at apo ng dating gobernador na payagan silang makadalaw sa National Kidney and Transplant Institute kaya’t mabilis itong pinayagan ng korte.
Ang mga Ampatuan ay nakakulong dahil sa patung-patong na kasong pagpatay sa 58 katao sa tinaguriang Maguindanao massacre case noong 2009.
By Len Aguirre