Ikinaalarma ng Malacañang ang pagkakaresto ng National Bureau of Investigation sa dalawang Chinese at tatlong Pilipino na hinihinalang nang-eespiya sa Palasyo.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, na kailangan nang magpatupad ng mas mahigpit na seguridad sa malacañang at kay Pangulong Ferdinand Marcos Junior para matiyak ang kaligtasan ng Palasyo at Presidente.
Tiniyak ni Castro na paiigtingin din ng mga otoridad ang mga hakbang para masugpo ang mga sinasabi at napagbibintangang espiya.
Pag-aaralan naman anya ni Pangulong Marcos kung aaprubahan o ive-veto ang panukalang paggawad ng Filipino citizenship sa chinese businessman na si Li Duan Wang, na ini-uugnay sa mga Philippine Offshore Gaming Operations.
Sa ngayon, hinihintay pa ng palasyo na maisumite ang enrolled bill na inaprubahan ng Kamara at Senado para gawaran ng citizenship ang nasabing Chinese.—ulat mula kay Gilbert {Perdez (Patrol 13)