Pinapurihan ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang mga law enforcers na tumugis at nakaaresto sa Indonesian suicide bomb na si Rezky Fantasya Rullie alyas “Cici”.
Naaresto si Rullie, kasama ang 2 iba pa sa tinutuluyan nitong bahay na pagmamay-ari ng Abu Sayyaf Group Sub Leader na si Ben Tatoo sa Jolo, Sulu nitong Sabado ng madaling araw.
Sa panayam ng Pilipino Mirror at DWIZ kay PNP Chief P/Gen. Camilo Cascolan, sinabi nito na magandang pagkakataon ang nangyari upang mapigilan ang pagkalagas ng mas maraming buhay dahil sa terrorismo.
Very big score ito because maraming lives ang na-save; what kung natuloy yung mga planned bombings nila? Maraming mamatay so, I congratulate and I commend them for an excellet job done,” ani Cascolan.
Kasunod nito, umaasa si Cascolan na marami pang mga terrorista ang madarakip ng mga awtoridad dahil sa mas pinaigting na kampaniya ng pamahalaan kontra terrorismo.
Marami pa yan, mataas kasi mga moral ng tao that’s why tuloy-tuloy ang mga trabaho nila and we hope that we would be able to sustain our operations against the terrorist,” ani Cascolan.