Ikinatuwa ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakaaresto ng pulisya at militar sa tatlong indibiduwal kabilang na ang isang opisyal ng barangay sa rehiyon ng Caraga.
Ito’y matapos silang maaresto dahil sa pagpupuslit ng mga bala at pagkain para sa CPP-NPA at NDF sa Purok 1B sa Barangay Pianing, Butuan City.
Kinilala ni Police Regional Office 13 o PNP Caraga Director P/BGen. Romeo Caramat Jr. ang mga naaresto na sina Marvin Pepito Merencillo, Rolando Aque Dagium at ang kapatid nitong barangay kagawad na si Ferdinand.
Nakuha sa kanila ang halos 5,000 piraso ng mga bala para sa AK-47 rifle, dalawang rifle grenade, tatlong motorskilo at mga pagkain.
The government’s campaign to put an end to the more than 50 years of communist insurgency is on the right track and we, the PNP will continue supporting all the programs to achieve this goal both through aggressive operations and non-military solutions.
Ang tinig ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar.