Malinaw na nanaig ang “business interest” sa pagkakabasura sa Ad Interim Appointment ni Environment Secretary Gina Lopez sa Commission on Appointments.
Ito ang inihayag ni Senador JV Ejercito, isa sa mga nalungkot sa kabiguang makalusot sa makapangyarihang C.A. ni Lopez at bumoto pabor sa appointment ng kalihim.
Ayon kay Ejercito, ang house contingent na pinamumunuan ni San Juan Rep. Ronnie Zamora ang pinaka-malaking ebidensya na nanaig ang vested o business interest sa pagkakabasura kay Lopez.
Magugunitang may-ari ng isang malaking mining company ang kapatid ni Zamora.
Bagaman inakusahan ni Ejercito si Zamora na walang delikadesa, sinagot naman ito ng kongresista at iginiit na may kinalaman sa local politics ang mga patutsada ng Senador.
Ito’y dahil magkatunggali ang pamilya Ejercito at Zamora sa lungsod ng San Juan mula sa pagiging dating magkasangga.
By: Drew Nacino / Cely Bueno