Tiniyak ng Malakanyang na hindi maapektuhan ng pagkakabasura ng kumpirmasyon ni Health Secretary Paulyn Ubial ang pagpapatupad ng pamahalaan sa mga naunang pangakong mapabubuti ang sebisyong pangkalusugan sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, sa katunayan aniya ay tinaasan na ang inilaang pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO para sa kanilang IMAP o Individual Medical Assistance Program.
Ani Abella, tumaas sa mahigit labing tatlong milsyong piso (P13-M) ang alokasyon ng PCSO para sa nasabing health program na ipamamahagi sa kanilang apatnapung (40) branches sa buong bansa.
Dagdag ni Abella, layunin ng dagdag pondo ng IMAP ang matugunan ang sinumang nangangailangan ng tulong pinansyal para sa kanilang medikasyon.
Matatandaang, tuluyan nang ibinasura ng makapangyarihang Commission on Appoints o CA ang ad interim appointment ni Health Secretary Paulyn Ubial.
Ito ay kasunod na makakuha ng labing tatlong “No” na boto si Ubial mula sa mga miyembro ng CA.
Umabot din sa lima ang oppositors sa pagkakatalaga ni Ubial, kabilang ang dating Interim President na Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth na si Hildegardes Dineros.
Si Ubial ay pang-lima na sa mga miyembro ng gabinete na ni-reject ng Commission on Appointments, sa pangunguna ni dating DFA Secretary Perfecto Yasay na sinundan nina Dating Environment Secretary Gina Lopez, dating DSWD Secretary Judy Taguiwalo at dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano.