Malaking pagkakamali umano ng administrasyon ang ginawang pagbasura ng makapangyarihang C.A. o Commission on Appointments sa nominasyon ni Rafael Ka Paeng Mariano bilang kalihim ng DAR o Department of Agrarian Reform.
Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao, hindi aniya malayong mamayagpag muli ang mga haciendero at panginoong may lupa gayundin ang monopolyo ng mga dayuhan sa mga lupaing para dapat sa mga Pilipino.
Maliban dito, naniniwala rin si Casilao na may mahalagang papel si Mariano sa nakabinbing peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng komunistang grupo.
Binatikos din ng mambabatas si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi nito pag-aksyon para tiyaking hindi maaalis sa kaniyang gabinete si mariano na aniya’y nagsusulong ng tunay na pagbabago sa repormang agraryo sa bansa.
By: Jaymark Dagala
SMW: RPE