Dismayado si Public Attorney’s Office (PAO) Chairperson Persida Acosta sa pagbasura ng Department of Justice (DOJ) sa isinampang kaso ng American missionary na si Lane Michael White laban sa ilang personnel ng NAIA na isinangkot niya sa tanim-bala modus.
Ayon kay Acosta, malinaw naman na may matibay na probable cause ang kanilang kampo laban sa 3 inabsweltong miyembro ng Office of Transportation Security (OTS).
Kataka-taka anya ang naging desisyon ng DOJ gayong napakarami na ng mga biktima ng tanim-bala ang nagpapatunay na nagkaroon ng planting of evidence.
Bahagi ng pahayag ni PAO Chief Atty. Persida Acosta
Iginiit ni Acosta na kuwestyonable rin naturang pasya dahil tila isinabay ito sa desisyon ng ibang korte na may hawak din ng kahalintulad na kaso.
Bahagi ng pahayag ni PAO Chief Atty. Persida Acosta
By Drew Nacino | Sapol