Muling binatikos ni Senador Panfilo Lacson ang Kamara dahil sa pagkaantala ng proposed 2019 national budget.
Ibinunyag ni Lacson na may mga isinisingit pa ang Kamara na mga dagdag proyekto sa budget kahit naratipikahan na ito ng bicam committee ng dalawang kapulungan ng Kongreso na isang malinaw na maanomalyang hakbang.
Hindi naman aniya ito mangyayari kung hindi batid ng liderato ng Kamara ang pagsisingit ng proyekto ng mga kongresista.
Kasunod nito, nanindigan naman ang senador na muli nilang haharangin sa Senado ang mga isinigit na proyekto sa pondo at igigiit na ipasa na lamang kung ano ang unang inaprubahan.
—-