Halos 90% nang kumpleto ang pagkakabit ng fiber optic cables (FOCs) sa kahabaan ng linya ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Kasunod ito nang pagkakabit ng technical personnel ng Sumitomo-MHI-TESP ng 19 mula sa 20 reels ng FOCs mula MRT-3 Depot hanggang sa Taft Avenue Station.
Copper wires muna ang ginagamit para sa signaling system ng rail line bago ikabit ang FOCs.
Layon ng railway signaling system na mapanatili ang ligtas na distansya ng mga tren sa bawat isa habang nasa linya.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang connection test sa pagitan ng Shaw Boulevard Station at Guadalupe Station at end-to-end test sa pagitan ng Shaw Boulevard Station hanggang Taft Avenue Station.
Ang connection test ay isinagawa para masubukan ang reliability ng mga kableng ikinabit.
Target na matapos ngayong buwan ang pagkakabit ng FOC sa buong kahabaan ng MRT-3.