Kinondena ng grupong Migrante Middle East ang Administrasyong Aquino makaraang hindi makaligtas sa bitay ang Overseas Filipino Worker na si Joselito Zapanta sa Saudi Arabia.
Ayon sa grupo, nabigo ang gobyerno na makipag-usap sa hari ng Saudi upang hindi na sana mahatulan ng kamatayan si Zapanta.
Matatandaang nahatulan ng kamatayan si Zapanta noong 2010 dahil sa pagkakapatay niya sa may ari ng nirerentahan niyang tirahan nang magkaroon sila ng alitan tungkol sa renta.
P48 million ang hininging blood money ng pamilya ng napaslang ni Zapanta subalit P23 Million lamang ang nalikom ng gobyerno at ng pamilya niya.
By: Avee Devierte