Binigyang diin ni Pangulong “ Bongbong “ Marcos Jr. ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga selebrasyon gaya ng ipinagdiriwang ngayong Chinese New Year.
Kasabay ng pagpapaabot ng pagbati ng pangulo sa buong mundo ng maligayang pagdiriwang ng nasabing okasyon.
Aniya ang mga selebrasyong gaya nito ay higit na nagpapabuklod sa mga pamilya, komunidad at bansa.
Paghimok pa ng pangulo sa lahat na sa naturang pagdiriwang alamin natin ang yaman ng kultura at kasaysayan na naging dahilan upang maging makulay at masigla ang ating bansa ngayon