Pinuri ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang Northern Police District (NPD).
Ito’y matapos ang matagumpay na pagkakadakip sa isang babae na nagpapanggap na empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at nanghihingi ng pera sa mga gustong makakuha ng ayuda sa gobyerno makaraang masakote sa entrapment operation sa Padas Alley, Barangay 12, Caloocan City.
Sa report na nakarating sa tanggapan ni NCRPO Acting Director Police Brig. Gen. Jonnel Estomo, kinilala ni Caloocan Chief of Police PCol. Fedinand del Rosario ang suspek na si Myra Table Mangitngit, 43 taong gulang, at nakatira sa nasabing lugar.
Ayon kay Del Rosario, nanghihingi si Mangitngit ng P3,050 sa mga gustong maging miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), maliban sa P100 membership fee, at iba pang expenses para sa medical examination, documentation, RT-PCR Test , name plate at uniform.
Sinabi ni del Rosario na mahaharap ang suspek sa kasong syndicated estafa/swindling at usurpation of authority.