Muling sinupalpal ni Russian President Vladimir Putin ang outgoing Obama administration sa pagpapakalat ng mga alegasyon hinggil sa pagka-panalo sa US Presidential elections ni Donald Trump ng Republican Party.
Ayon kay Putin, maituturing na “basura” ang mga alegasyon na sinabotahe ng Russian Security Services ang US Presidential election noong Nobyembre.
Masahol din anya sa mga “prostitute” ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon na isang uri ng “pamumulitika” laban sa pangulong inihalal ng mga Amerikano.
Nilinaw naman ng Pangulo ng Russia na ang pamilyar siya sa ilang hindi beripikadong alegasyon hinggil kay Trump na iniluto ng dating British Intelligence Agent.
Bagaman totoo na bumisita si Trump sa Moscow, Russia para sa Miss Universe pageant 2013, hindi naman anya nila batid na mayroon itong political ambition noong mga panahon na iyon at tanging pagkakaalam niya ay isa ang business magnate sa mga pinakamayaman sa Amerika.
By Drew Nacino