Itinanggi ng pamunuan ng Adamson University sa Maynila ang pagkakadawit nila sa isyu ng ‘instant Doctoroate o Ph.D Degree.
Ito ay matapos sibakin sa posisyon si Peng Xilin, University head ng Shaoyang University sa Hunan, China, matapos niyang i-rehire ang 22 gurong ipinadala niya sa Adamson.
Ang mga gurong ito ay nakakuha ng doctorate sa loob lamang ng 28 buwan, taliwas sa dapat na apat hanggang limang taon.
Iginiit ng Adamson na hindi totoo ang akusasyon dahil sumusunod lamang sila sa polisiya, guidelines at standards na itinakda ng Commission of Higher Education.
Wala rin anilang kaugnayan ang Adamson University sa Shaoyang College at sa faculty members nito dahil pinoprotektahan nila ang kanilang reputasyon at pangalan.