Kinuwestyon sa Senate Electoral Tribunal ang muling pagkakahalal kay Senador Koko Pimentel.
Hiwalay na quo warranto petition ang inihain ng mga kinilalang sina Efren Adan at Reyman Mansilungan.
Iginiit ng dalawa sa hiwalay nilang reklamo na labag sa konstitusyon ang pagtakbo at proklamasyon kay Pimentel dahil ikatlong termino na nya ito samantalang dalawang termino lamang ang pinapayagan ng konstitusyon.
Matatandaan na pang 13 lamang si Pimentel nang tumakbo noong 2007 kayat naghain ito ng electoral protest laban kay Senador Juan Miguel Zubiri.
Nakaupo sya bilang senador pagkatapos ng tatlong taon nang mabunyag ang dayaan sa eleksyon at magbitiw bilang senador si Zubiri.
Kung ibibilang ang 2007 elections, ikatlong termino na ito ni Pimentel bilang senador.