Nilinaw ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Renato Solidum na walang kinalaman sa pagkakahuli ng malaking Lapu – Lapu sa Surigao ang naranasang 6. 3 magnitude na lindol.
Sinabi ni Solidum na maliban sa malayo ang lindol sa kinatagpuan ng malaking isda, wala ring pag-aaral na magpapatunay sa nasabing palatandaan bago tumama ang kalamidad.
Dahil dito, umapela si Solidum na iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon na nagiging dahilan pa nang pagka-alarma.
Kasabay nito, ipinabatid ni Solidum na hindi kayang makapag trigger ng nakalipas na lindol ang posibleng magnitude 7.
Ang pinakamabuti pa ring gawin ay regular na magsanay sa mga earthquake at fire drills.
Energy facilities hindi naapektohan ng lindol
Tiniyak ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines na walang naging epekto sa energy facilities ang pagtama ng 6.3 magnitude na lindol.
Ayon sa ulat, normal ang operasyon at nananatiling nasa magandang kondisyon ang Malampaya offshore facility na matatagpuan sa Batangas na siyang sentro ng pagyanig kahapon.
Maliban dito, nananatili ring stable ang power transmission services ng NGCP.
Ito ang dahilan kaya’t wala namang napaulat na nawalan ng suplay ng kuryente kahapon matapos ang paglindol.
Maging ang Meralco ay nagpasabi na ring normal ang operasyon ng kanilang mga pasilidad.