Nilinaw ni Vaccine Expert Panel (VEP) Chairperson Dr. Nina Gloriani ang pagkakakaiba ng respiratory syncytial virus (RSV) at COVID-19 virus.
Ayon kay Gloriani, ang RSV ay isang respiratory manifestation na para ring COVID-19 pero ang mga bata at matatanda ang vulnerable dito.
Kabilang sa sintomas nito ang sipon, ubo, pagbahing at lagnat.
Tulad ng COVID-19, ang RSV ay nakamamatay din lalo na sa premature children at elderly o matatanda.
Nabatid na nakapagtala ang Department of Health ng mahigit 200 kaso ng RSV sa mga bata sa bansa mula noong Enero hanggang Agosto ng taong ito.
Samantala, sinabi ni Gloriani na kasalukuyan pang pinag-aaralan ang bakuna na gagamitin para sa naturang virus.