Binatikos ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagpapatupad ng Mother Tongue-Based Multilingual Education o MTB-MLE policy ng programang K to 12.
Ayon sa senador, magkaiba ang realidad na kinakaharap ng mga mag-aaral at guro kumpara sa mismong sinasabi ng batas.
Sa kasalukuyan, 19 na wika ang napapaloob sa MTB-MLE policy ng Department of Education (DepEd) at 130 wika naman ang nakatala sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
Habang naitala naman ng Philippine Statistics Auhority (PSA) sa 2020 census of population ang halos 245 na wika.
Binigyang diin ni Sen. Gatchalian, malaki ang hindi pagkakatugma ng mga ito at dapat lamang magsimulang ituro sa mga bata ang 245 na wika dahil maituturing itong mother tongue tulad ng nakasaad sa batas ngunit 19 lamang ang ginagamit higit lalo sa mga paaralan.
Nauna ng ipinanawagan ni Sen. Gatchalian na suriin ang pagpapatupad ng MTB-MLE.
Habang magtutuloy tuloy lamang aniya ang pagrepaso dito hanggang matukoy ang mga kinakailangang pang mga hakbang.