Inisa–isa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagkakaiba sa pagitan ng lumang piso (P1.00) at bagong limang piso (P5.00).
Ito’y matapos maghayag ng kalituhan ang publiko sa itsura ng bagong salapi.
Ayon Carlyn Pangilinan, BSP Managing Director for Currency Management, bagaman magkapareho ang hugis at kulay nito sa piso, ang bagong limang piso ay mas makapal at mas mabigat.
Bukod dito, ang halamang tayabak at mukha ni Andres Bonifacio ang pinakalutang na pagkakaiba nito sa piso.
Ito din umano ay sumisimbolo bilang pagkilala sa paggunita ng kapanganakan ni Bonifacio.
Magugunitang nananawagan si Senador Nancy Binay sa BSP na ipaalam sa publiko kung plano na ba nito na baguhin ang lahat ng disenyo ng mga barya upang hindi na lamang basta nagugulat at nalilito ang mga mamamayan.