Nagpahayag ng mensahe ng pagasa at pagkakaisa ang kauna-unahang babaeng Pangulo ng Hungary na si Katalin Novak sa naganap na Inauguration Ceremony nitong Sabado.
Ayon kay Novak umaasa siya na may lakas pa para sa pagbuo ng kinabukasan ang mga mamamayan nito sa kabila ng pagtugon sa pandemya, banta sa seguridad at mga hamon sa ekonomiya.
Nagsimula ang nasabing seremonya sa pamamagitan Military honors, pagtataas ng watawat na sinundan ng National Anthem ng naturang bansa.