Nananawagan si Vice President Leni Robredo sa publiko na magkaisa at magtulungan para labanan ang COVID-19 pandemic.
Sa kanyang mensahe ngayong Araw ng Kagitingan sinabi ni Robredo na katulad ng Bataan noon kung kailangan nabalot ang bansa ng kadiliman dahil sa pandemya at marami rin ang nag sakripisyo, nagdusa at nawalan.
Binigyang diin ni Robredo na paalala rin ang araw na ito na walang Pilipinong kailangang maging magiting mag isa at dapat ay magsama sama at magtulung tulong ang lahat ng mga Pilipino.
Ayon pa kay Robredo, ang kabayanihang ipinakita ng mga Pilipinong sundalo na ibinuwis ang kanilang buhay para sa bansa at kalayaan ng mga Pilipino ayun dapat magsilbing inspirasyon bilang paghahanda na mag sakripisyo rin para sa kabutihan ng nakakarami.