Pagkakaisa laban sa iba’t-ibang pagsubok sa lipunan.
Ito ang naging panawagan ni Vice President Leni Robredo kasabay ng pagdiriwang ng ika-35 anibersaryo ng People Power Revolution.
Sa isang pahayag, sinabi ni Robredo na ang pagkakaisa o unity na ipinakita ng sambayanan noong People Power ay nararapat lamang gawin para sama-samang malagpasan ang masamang epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Dagdag pa ni Robredo, ang naturang matibay na pagkakaisa ng bawat Pilipino ay dapat manaig para labanan ang sinumang nagtatangkang baguhin ang kasaysayan para sa personal na interes o adhika.
The challenge now is this: We must find within ourselves that strength, that faith, that fire to continue the work that remains to be done,” ani Robredo.