Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga opisyal ng gobyerno na magkaroon ng pagkakaisa sa mga mensaheng isinasapubliko kaugnay sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y matapos magkaroon ng kalituhan sa naging anunsyo ni Health Sec. Francisco Duque III na nasa second wave na ng COVID-19 ang Pilipinas.
Ayon kay Robredo, nag-aabang at umaasa ang publiko sa mga impormasyong inilalabas ng pamahalaan kaugnay sa COVID-19.
Kaya aniya hindi kailangan sa panahon ngayon ang ganitong klaseng mga kalituhan.
Giit ni Robredo mahalagang nag-uusap-usap muna ang mga opisyal bago ito ianunsyo sa publiko.
Magugunitang ilan sa kumontra sa naging deklarasyon ni Duque si Executive Sec. Salvador Medialdea, Presidential Spokesman Harry Roque at Interior Sec. Eduardo Año.