Tukoy na ang pagkakakilanlan ng pito sa 49 na sundalong nasawi sa bumagsak na C-130 plane sa sulo.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana, sa pamamagitan ng DNA testing at kanilang dental records natutukoy ang pagkakakilanlan ng mga nasawing sundalo.
Una na rin aniyang narekober ang black box ng eroplano na ngayon ay kasalukuya ng sinusuri at pinakikinggan na ng mga imbestigador para malaman ang mga naging huling pag-uusap ng pilot sa crew.
Kaugnay nito, sinabi ni Sobejana na bukas ang armed forces kung nais pumasok ng kongreso sa imbestigasyon.